Chapter 8
Chapter 8
"I DON'T know what it is but she drives me crazy. I don't know what she does but she drives me wild.
And only she can let me be the man I wanna be or she can leave me helpless as a child..."
Kasabay ng paghinto ng mga daliri ni Alexis mula sa pagkalabit sa kanyang gitara ay ang paghinto rin
ng kanyang pagkanta dahil sa pagpasok ng hindi inaasahang babae sa napakalawak na gymnasium.
Pero parang walang nakapansin ng ginawa niya sa mga naroroon. Sa halip ay nahawi ang mga tao at
lahat ng mga mata ay nakatuon sa prinsesang dumating... ang kanyang prinsesa.
Diana. Ang buong akala ni Alexis ay hindi na pupunta sa Valentine's party nila ang dalaga. Dalawang
araw din siya nitong hindi kinibo. Nang nagdaang gabi lang sila nagkasundo. At nang makapag-usap
na sila, sinabi ni Diana na hindi na ito pupunta pa sa party. Wala siyang nagawa. Alam niyang
nagtatampo pa rin ang dalaga. Gustuhin niya mang samahan na lang ito sa mansiyon ng mga ito,
nakapangako na siyang tutugtog ang kanyang banda sa party.
Mahilig siyang tumugtog. Isa iyong katangian na namana niya sa kanyang ina. Pero hindi sumagi sa
isip niya na isang araw ay magagawa niyang tumugtog sa harap ng publiko. It was Diana who made
him join their campus band. Nagkataon namang sinuwerte siyang makapasok bilang vocalist. Wala
silang gig na hindi pinuntahan ng dalaga. Kaya aminado siyang hindi siya masayang tumugtog sa
gabing iyon dahil nawawala ang inspirasyon niya. Nawawala ang kanyang Diana.
Pero hindi niya inaakalang sa pagdating nito, siya mismo ang mawawala. Bigla ay hindi niya na
matandaan ang mga salita, ang lyrics ng kantang ilang araw din nilang inensayo ng mga kabanda.
Nakatitig lang siya sa isang partikular na lugar... sa pwesto ni Diana na nakatitig rin sa kanya nang mga
sandaling iyon. Sa kanya lang. Ni hindi na nito napapansin ang puno ng paghanga at pag-asam na
mga tingin rito ng mga lalaking bigla ay pumalibot rito. Napuno ng pagmamalaki ang puso niya.
In her black ball gown, Diana looked breathtaking. Para itong isang maningning na bituin na
nangibabaw sa lahat ng mga naroroon. Gusto niyang bumaba sa stage. Gusto niyang protektahan ang
dalaga. Gusto niyang mambakod. Pero pakiramdam niya, napako ang kanyang mga paa sa
kinatatayuan dahil sa mga salitang mula sa kung saan ay naglaro sa kanyang isip.
"I'm in love with you, Axis."
Hindi niya binanggit kay Diana ang mga sinabi nitong iyon noong gabing lasing ito. Iniwasan niyang
pag-usapan ang bagay na iyon. Hindi niya kaya. Hindi pa sa ngayon na naduduwag siya nang husto.
"Alex!"
Napipilitang inalis ni Alexis ang tingin mula sa matalik na kaibigan. Napalingon siya sa likuran kung
saan naroroon ang kanilang drummer na si Roy, ang tumawag sa kanya. Bakas ang iritasyon sa anyo
nito. "Ano? Nganganga ka na lang ba d'yan? Impress the princess! Sing!"
Naisuklay ni Alexis ang mga daliri sa kanyang buhok dala ng pagkapahiya. "I... I forgot the lyrics. I'm
sorry."
"Heaven forbid!"
"Nakikini-kinita ko na 'tong eksenang 'to, eh. Mabuti na lang at boy scout ako," ani Earl na siyang in-
charge sa keyboard. Inabot nito kay Alexis ang lyrics sheet. "Hindi ko nga lang in-expect na ikaw
mismo ang makakalimot, Alex. It wasn't you. Ang akala ko nga ay kami. You know how much we fancy
your bestfriend. Natakot kaming baka kami ang mawala sa tono sakaling mahabag ang langit at
dumating si Diana ngayong gabi."
Shit. Pinagpawisan si Alexis nang marinig ang pagbubulungan ng mga tao. Wala na siyang oras para
pansinin pa ang kislap sa mga mata ng kabanda dahil sa biglang pagsulpot ni Diana. "Pwede bang
mag-swap na muna tayo, Earl? Ako na sa keyboard. Ako pa rin naman ang kakanta."
Mabilis na tumango si Earl. Hindi na nagdalawang-salita pa si Alexis dahil kahit ito ay tensyonado na
rin nang mga oras na iyon. Pumuwesto siya sa likod ng keyboard. Meron ding lyrics sheet na
nakalagay doon. Mabuti na lang at bawat isa sa kanila ay maalam sa instrumento. Siniguro iyon ni Roy,
ang tumatayong leader ng kanilang banda para sakali daw magkaroon ng aberya ay masasalo nila ang
gawain ng isa't isa. Sa hudyat ni Roy ay muli silang nagpatuloy sa pagtugtog.
"I don't know what it is but she has the power. She can make me laugh when I wanna cry. She tells me
that I'm in control but I know it's just a lie. And I don't mind, no..." Muling pagkanta ni Alexis. Ipinikit niya
ang mga mata para makaiwas sa tuksong hanapin si Diana. Parang panang tumatagos sa puso niya
ang bawat salita ng kanta dahil ganoong-ganoon ang nararamdaman niya ngayon.
Wala siyang alam sa pagmamahal. Pero masarap sa pakiramdam na mahal siya ng nag-iisang
kaibigan niya. Hindi niya alam kung may kapasidad siyang makaramdam ng katulad ng nararamdaman
nito. Alam niyang nagiging makasarili siya. Dapat ay iniwasan niya na si Diana nang matuklasan
niyang lumampas na sa boundary ang nararamdaman nito. May posibilidad na mas masaktan ito at
mas mahirapang maka-move on nang dahil sa patuloy niyang paglapit rito. Pero si Diana na lang ang
meron siya. And he would rather die than stay away...
"Alexis, can't you consider our princess as someone more than your best friend?" Ang mga salita
namang iyon ng ina ni Diana ang sumunod na naglaro sa isip niya. Diana remained an epitome of
perfection in his eyes. At alam niya, lumipas man ang maraming taon ay mananatiling ganoon ang
tingin niya sa kaibigan. Napakarami nitong positibong emosyon na ipinakilala sa kanya mula nang
dumating ito sa buhay niya.
Sa piling ni Diana, walang kahirap-hirap ang ngumiti at ang maging masaya. Sa tabi lang nito siya
nakakaramdam ng kakaibang katiwasayan. Parang bukal na lumilinis sa makasalanan at madilim na
puso niya ang simpleng paghawak nito sa kanyang kamay. Pero gaano man siya kasaya kapag
kasama ito ay ayaw niyang sumugal at itaas ang lebel ng relasyon nila.
Paano kung sa huli ay masaktan niya lang si Diana? Paano kung sa huli ay sirain ito ng pagmamahal
nito para sa kanya? Paano kung matuklasan nitong hindi pala siya ang nararapat na lalaki para rito?
Mahihirapan na sila pareho na ibalik sa dati ang lahat kung sakali. Natatakot siya dahil hindi niya
kayang mawala ang dalaga sa buhay niya. Masyadong espesyal ang relasyong meron sila para isugal
niya. Mas mapapanatili niya ito sa kanyang tabi kung pananatilihin na lang nila ang kung anumang
mayroon sila ngayon.
"When you're looking in her eyes you can see forever. You're captured by the beauty of her soul. You
know you're never gonna find a woman like this again. So don't let go..."
Sa pagtatapos ng kanta ay hinayaan ni Alexis na buksan ang kanyang mga mata. Sumalubong sa
kanya ang bulto ni Diana na may kasayaw nang iba. Bigla siyang naglihis ng tingin.
What the heck is wrong with you, Alexis? Bigla ay kastigo niya sa sarili. Your relationship with her
doesn't give you the right to get... fucking jealous. Magkaibigan. Lang. Kayo. Ginusto mo 'yan.
Panindigan mo.
Seven years later...
"KINAYA ko." Hindi makapaniwalang naibulong ni Diana nang makalabas ng airport.
Napagtagumpayan niya ang pagsubok para sa sarili. I didn't die from a heartache.
At isa lang ang ibig sabihin niyon... nakahanda na siya. Nakahanda na ang puso niyang magpapasok
ng iba. Sa wakas.
"Kapag nakaya mong mabuhay nang walang aali-aligid na Alexis Serrano sa buhay mo sa loob ng
tatlong buwan nang hindi siya tinatawagan, nang walang skype o ano pa mang form ng
communication, ibig sabihin, makakaya mo nang wala siya, Diana. That's a huge step towards moving
forward." Naalala niyang hamon pa sa kanya ng kaibigang si Laurice.
Nalagpasan ni Diana ang hamon. Hindi lang tatlong buwan kundi anim na buwan siyang nawala para
magbakasyon at maglibot-libot sa Italy nang nag-iisa. Halos walong taon silang naging magkaibigan ni
Alexis. Walang nagbago sa estado ng relasyon nila. Kung meron man ay mas tumibay pa ang
pagkakaibigan nila. Pinatatag na sila ng panahon. Doon niya napatunayan na hanggang doon na lang
talaga sila ng binata. Doon niya na rin natanggap ang kanyang pagkabigo.
Sampung buwan na ang nakararaan nang sa wakas ay magpakilala na sa kanya ng girlfriend si Alexis.
Isa iyong architect na gaya nito. Alam niya nang hindi nauubusan ng ka-fling ang binata pero nang
panahon lang na iyon nito nagawang pormal na magpakilala sa kanya ng babae. May anak ang babae
pero nagawa iyong tanggapin ng kanyang kaibigan. Doon niya napatunayan na totoo ngang
nagmamahal na ito. Nang panahon rin na iyon natapos ang ilang taon niya nang pakikibaka sa sariling
nararamdaman para kay Alexis.
Nang makita niya ang binata na masaya sa piling ng iba, kusa na siyang sumuko. Siguro ay iyon lang
ang kailangan ng puso niya: ang katibayan na wala talaga siyang aasahan. Alam niya na iyon sa
simula pa lang pero sadyang mahirap turuan ang puso.
Ginusto niya na ring makabangon kaya tinanggap niya ang hamon ni Laurice na hanggang ngayon ay
nananatili pa ring kaibigan niya kahit pa magkaibang career ang tinahak nila. Naging restaurant owner
si Laurice. Nagkaroon naman ng sariling architectural firm si Alexis. Ang maging matagumpay na
architect ang alam niyang lihim na pangarap nito. At natupad iyon dahil sa naiibang sipag, talino, at
husay ng kanyang bestfriend. Matapos nitong magtrabaho sa ibang firm ng halos kalahating dekada ay
nagtatag na ito ng sariling firm dalawang taon na ang nakalilipas. Nangutang ito sa bangko ng dagdag
capital na nagawa rin nitong maibalik agad.
Parati niyang ipagmamalaki ang kanyang bestfriend. Nagawa ng binata na makatayo nang walang
tulong mula sa ama nito na siyang ikalawang pangulo na ng bansa nang mga sandaling iyon.
Si Diana ay natupad rin ang pangarap na maging florist. Nagawa na ring matanggap ng kanyang mga
magulang na iyon talaga ang gusto niya sa buhay. Hindi na siya pinilit pa ng mga ito na pamahalaan
ang family business nila. Sa kasalukuyan, meron na siyang tatlong branch ng flower shop sa iba't
ibang lugar sa Maynila.
Sinikap niyang paunlarin rin ang sarili sa nakalipas na mga taon kaya ngayon niya rin lang nagawang
makapagbakasyon na ikinagulat hindi lang ng kanyang mga magulang kundi ni Alexis mismo. Dahil
iginiit niyang mag-isa. At napanindigan niya iyon.
I did it! Nakasanayan na ni Diana na nakadepende kay Alexis. Iyon ang disadvantage ng pagiging mas
malapit niya sa binata. Madalas sila nitong magkasama noon. Walang gabi na hindi sila nagkikita
maliban na lang nang nagkaroon ito ng girlfriend. Datirati, sinusundo pa siya nito tuwing umaga
papuntang flower shop niya kaya sa halip na maka-move on, lalo pang tumindi ang lihim na
nararamdaman niya para rito.
Ang buong akala ni Diana, hindi niya kakayanin ang bakasyong iyon. Pero hindi siya nagpadaig sa
pangungulilang naramdaman. Kailangang-kailangan niya ang bakasyong iyon, ang pagkakataong
makapagsolo. Ilang beses na nagpumilit si Alexis na samahan siya o 'di kaya ay dalawin sa Italy pero
tumanggi siya. Mabuti na lang at napapayag niya ang kanyang mga magulang sa gusto niya.
Hanggang kailan ba sasapat ang salitang 'mahal kita' para magtagal kayong dalawa nang hindi mo
naririnig man lang mula sa mga labi niya ang salitang, "mahal din kita?" Hanggang kailan sasapat ang
ikaw? Ang ako? Hanggang pangarap na lang ba ang salitang "tayo"? Bigla ay naglaro sa isip ni Diana
ang note na iyon ng kanyang ina na inipit nito sa gamit niya sa kanyang maleta.
Nabasa niya na lang iyon nang mag-unpack siya ng mga gamit nang makarating na siya sa ibang
bansa. Mukhang may idea na rin ang ina sa pinagdaraanan niya. Her mother had always been a poet.
Nagkataon lang na hindi nito gaanong napalawak ang abilidad na iyon dahil pagnenegosyo ang first
love nito.
Tinamaan siya sa mga salita ng ina. Tumagos iyon sa puso niya. Noon niya lang na-realize na siguro,
kaya siya hinayaang makalayo ng mga magulang dahil alam ng mga ito na kailangan niya na munang
gawin iyon... para bumitaw sa isang bagay na hindi naman dapat panghawakan una pa lang.
Matagal-tagal na ring nagpaparinig ang mga magulang sa kanya tungkol sa pagpapamilya. Nagkataon
lang na matagal na nakasara ang puso niya noon para sa bagay na iyon. Pero handa na siya ngayon.
Bukas na siya sa napakaraming posibilidad. Hindi ba't pag-ibig rin ang nakagagamot sa isang
sugatang puso? Kung tama man iyon, handa na siyang umibig para gumaling... para mabuo uli.
Where are you, Cupid? Nakahanda na ako. Marahang tinapik ni Diana ang dibdib. Dear heart, let's fall
in love again. Sandali niyang binitiwan ang kanyang maleta. Ibinukas niya ang mga braso at marahang
pumikit nang marinig ang pamilyar na ingay mula sa labas ng airport. Napahugot siya ng malalim na
hininga. Para siyang ibon na nakalaya.
Wala pang nakakaalam na ngayon ang uwi niya dahil na-extend na nang na-extend ang dapat ay
tatlong buwan lang na bakasyon niya. Mabuti na lang at may mga mapagkakatiwalaan siyang
assistants sa flower shops niya.
"Whoa!"
Agad na napadilat si Diana nang marinig ang parang gulat na boses na iyon ng isang lalaki.
Sumalubong sa kanya ang isang gwapong mukha ng lalaki na titig na titig sa kanya nang mga
sandaling iyon.
Kumunot ang noo ni Diana nang makita ang matinding pagkabigla sa mukha ng lalaki nang hindi pa rin
inaalis ang mga mata sa kanya. "Is something wrong?"
Sa halip na sumagot, yumuko ang lalaki na para bang may dinampot na kung ano sa sahig. Sa muling
pag-angat ng mukha ay nakangiti na ito. "'Yong puso ko, dinampot ko lang. Nalaglag kasi nang makita
kita." Inilahad nito ang isang palad sa kanya kahit pa bahagyang namumula ang mga pisngi nito.
"Forgive the cheesiness. But that's the truth. I'm Jake Calderon, by the way."
Ilang sandaling natigilan si Diana bago napangiti na lalong nagpapula sa mga pisngi ng binatang
kaharap. Bukod kay Alexis, si Jake pa lang ang nakita niyang nagkaganoon. "That's actually the
cheesiest line I've ever heard, Jake. And I can't believe you'll blush like that upon delivering that."
Naaaliw na dagdag niya.
Kung tutuusin, hindi rin pahuhuli ang kakisigan ni Jake sa bestfriend niya. Siguro ay kasing taas ito ni
Alexis. Sigurado siyang hindi rin nagkakalayo ang bulto ng katawan ng mga ito. Nagkataon lang na
mas malinis itong tingnan kumpara sa nakasanayan niya nang rugged look ng bestfriend niya. Ganoon
pa man ay magandang lalaki ito. He had the most fascinating baby blue eyes she had ever seen.
"Believe it or not but that's the first time I ever used that. Hindi ako sanay." Muling ngumiti si Jake.
"Ngayon lang ako nagpapansin sa buong buhay ko at sana hindi ako mapahiya." Iminuwestra nito ang
nakalahad pa ring kamay. "It's just a hand shake, Miss. 'Wag kang matakot. Hindi naman kita noveldrama
pakakasalan agad. Hindi ako nagmamadali. We can take things slow."
Nauwi sa pagtawa ang ngiti ni Diana. "Lalo mo naman akong tinakot." Sa wakas ay tinanggap niya ang
palad ni Jake. "Anyway, I'm Diana."
Dear Cupid, ang bilis mo namang kumilos. Pero teka... siya na ba?
What do you think?
Total Responses: 0