Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 87



Kabanata 87

Napakalamig ng panahon.

Sa sobrang lamig agad na nagyelo ang puso ni Madeline.

Subalit, umaasa siya na sana mas lumamig pa. Mas maganda kung sa sobrang lamig ay mamanhid na

ang kanyang buong katawan.

Para hindi niya siya makaramdam ng sakit kailanman, sa katawan man o maski sa kanyang puso.

Nakita ni Jeremy na hindi man lang nanlalaban si Madeline. Kaya tumigil siya sa ginagawa niya at

hinila si Madeline habang nanginginig ito.

Nakita niya na kasing puti ng niyebe ang kanyang mukha at walang kahit na anong kulay dito. Mukha

siyang isang manyika na tinanggalan ng dugo mula sa katawan nito. Ang natitira na lang ay ang

panlabas nito.

Biglang nakaramdam ng takot si Jeremy. "Madeline, Madeline…"

Tinatawag niya ang kanyang pangalan pero hindi siya sumasagot.

"Madeline, 'wag kang magpanggap na patay! Ang sabi ko magsalita ka!" Napakabilis ng tibok ng puso

ni Jeremy na pakiramdam niya ay sasabog siya. Bumalot sa kanya ang isang takot na kahit kailanman

ay hindi pa niya naramdaman.

Nang makita niya na hindi kumikibo si Madeline, binuhat niya ito at nilagay sa kama.

Nagmadali siya para kumuha ng malinis na damit pamalit, pero lumingon siya at nakita niyang umupo

si Madeline.

Pakiramdam ni Jeremy ay nadaya siya. Binato niya ang mga damit sa lapat at sumugod para hablutin

ang kwelyo ni Madeline.

"Madeline, nagpapanggap ka lang pala talaga!" noveldrama

Sigaw niya sa gitna ng kanyang nakatikom na ngipin.

Mahigpit na hawak ni Jeremy ang nanginginig na katawan ni Madeline. Kung hindi siya hinahayaang

makatulog ng sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan, malamang ay hindi na siya

magigising.

"Sabihin mo sa'kin, sabihin mo sa'kin kung may relasyon kayo ni Felipe! Kung hindi, base sa kanyang

pagkatao, bakit siya magbibigay ng atensyon sa mga ginagawa mo?"

Nakakatawa ang mga tanong ni Jeremy para kay Madeline.

Ang atensyon na iniisip niya na binibigay ni Felipe ay tanging kawalan ng pakialam ni Jeremy sa

kanya.

"Anong tinatawa-tawa mo? Sagutin mo ko! Gusto mo ba siya?" Tanong ni Jeremy nang may

nakakapangilabot na tingin sa kanyang mga mata. Nakainom siya kanina kaya ang kanyang mga mata

ay bahagyang may bakas ng kalasingan

Tinaas ni Madeline ang kanyang nakatulalang titig sabay ngumiti sa kanya. "Oo, gusto ko siya. Mas

malumanay at mas mature siya kumpara sa'yo. At saka may pakialam siya sa akin. Paanong hindi ako

mahuhulog sa lalaking kagaya niya? Dahil ayaw mo sa'kin, hahanap na lang ako ng isang lalaki na

may pakialam sa akin."

"Madeline!"

Galit na galit si Jeremy.

Nawawala bumabalik ang malay ni Madeline, pero nang marinig niyang tinawag nito ang kanyang

pangalan ay nagising siya.

Subalit, hindi na mababawasan ang galit ni Jeremy.

Pinunit niya ang damit ni Madeline sa galit at kinagat ang balat sa kanyang balagat.

Nangiwi ang mga uhaw ni Madeline sa sakit. Tinulak niya siya papalayo pero wala siyang lakas para

labanan siya.

Hindi siya makalaban sa mga pagpaparusa ni Jeremy. Para bang gusto siya nitong pagpunit-punitin.

Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataon na makahinga.

Talagang takot na takot siya sa bayolenteng pagbabago-bago ng emosyon ng lalaking ito.

Kapag maganda ang araw ni Jeremy, paglulutuan siya nito ng agahan.

Subalit, kapag masama ang araw ni Jeremy, talagang papatayin siya nito.

Natatakot si Madeline na baka hindi niya ito makayanang tiisin. Natatakot siya na mamatay bago pa

siya makapaghiganti. Hindi siya pwedeng mamatay ng ganito.

"Mr. Whitman, sigurado ka ba na gusto mong hawakan ang isang madumi, mababa, at nakakamuhing

babae na mayroon nang ibang nilalaman sa kanyang puso?"

Nang kikilos pa lamang si Jeremy laban sa kanya ay kalmado itong sinabi ni Madeline. Napahinto ang

lalaki at tinignan siya pagkasabi nito. Kaagad na nawala ang kanyang interes.

Sabi niya ay mayroon nang ibang lalaki sa kanyang puso.

Tinignan ni Madeline ang mga galit na mata ni Jeremy. Pagkatapos, inipon niya ang lahat ng kanyang

tapang. "Jeremy, mag-divorce na tayo."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.